Wednesday, June 16, 2010
he loves me,,he loves me not,,,
,,he loves me,,he loves me not,,,he loves me he loves me not,,,,,hawak ang isang tangkay ng bulaklak, habang isa isa tinatanggal ang petal ,,,,mahal ka ngayon,,,ayaw sa iyo bukas,,mahal ka,,,,ayaw uli,,,kapag lumayo ka susuyuin ka,,,kung kailan ayaw mo na saka naman lalapit,,,nakakapagod din parang laro ng patintero,,hinaharangan mo na pilit pa rin lulusot,,,,gaya ng larong base to base aalis ka sa puwesto mong binabantayan may hahabol sa iyo para mahuli ka at dalhin sa base nila at di ka na papakawalan,,,pero may isa naman lalapit sayo ,,kakalabitin ka para mabawi ka at bumalik sa base ninyo,,,,,gaya ng pagibig masyado mapaglaro,,,dati hinihintay mo siya dumating,,,kapag nandyan na nakakatakot naman na parang ayaw mo na,,naalala ko pa noon,,isang bubut na pagibig,,sabi nila ,masarap magmahal,iiyak ka kapag nawala,,Dumting sa buhay ko noon ,sa kagustuhan maranasan kung paano magmahal at masaktan gaya ng napapanood ko sa tv,,naririnig sa mga kaibigan,may sinagot ako na kapwa ko nuon teenager, bukod sa gwapo matangkad, ang lakas ng appeal kasi maangas kumilos para bang sinasabi niya na "huwag ninyo babastusin ang gf ko sasamain kayo:"....feeling proud pa ako nuon, feeling kayang ipatganggol khit kanino,,,hanggang isang araw sa di ko na matandaang dahilan nagkahiwalay kami,wala na pala kami,hinihintay ko na umiyak ako ,yun tipong di makakain,di makatulog,may tagihawat sa ilong pati na sa pisngi,pero wala ,wala ako naramdaman sakit sabi ko manhid ba ako bakit ganun,bato yata ako ,,bkit di ako nasasaktan,,,Nakalimutan ko na yun makalipas ang isang taon,may nakilala ako na isang guy taga ibang school,,matangkad, matalino,gwapo,mabait ,gentleman,sabay kami papasok sa school,sabay kami uuwi,,,,,kapag nagdadate kami sa loob ng campus ng ust ,,,doon tinotour niya ako,nagpapalitan kami ng mga bagong kaalaman na natutunan namin sa school,nagtataka ako sya ang scholar pero pinapasa nya sa akin ang iba nya assignment siguro gusto nya subukan kung gaano kalalim ang kaalaman ko,sa loob ng apat na taon umikot at lumipas ang araw ko na kasama siya pero dumating ang araw na kung kelan ko naman ayaw mranasan saka ko naman naramdaman sa unang pagkakataon,, ang sakit na dinulot ng totoong pagibig,,,pag ibig sa taong pinakamamahal ,di ko alam kung saan nanggaling ang tubig na lumabas sa mata ko sa buong magdamag na pagluha. Nakalagpas pa rin naman ako noon.,,at siguro...ilang beses pa ako nagmahal at umiyak,,,at nagmahal at umiyak,,,hanggang sa panahong ito,,nakakaranas pa rin magmahal at umiyak,,di sumusuko,,,baka isang araw matagpuan na ang pagmamahal na nakalaan para sa akin,,,parang gaya ng pagpitas sa isang bulaklak, at sasabihin,,,he loves me ,,he loves me not,,,,,he loves me,,,he loves me...he loves me not,,,,he loves me,,,,sana doon matapos .
At kung ako ang tatanungin,,,kung kayang maibabalik ang panahon,kung may totoong time machine,,, anong parte ng buhay ko gusto ko balikan,,yung panahon ba na di ko pa alam paano ang magmahal at masaktan,,,o yung panahon na alam ko na paano ang magmahal at kpag nasaktan ay marunong lumaban at bumangon,,,,ang sagot ko dyan,,,,yung panahon na nasa loob ako ng sinapupunan ng aking ina,,,kung saan nakapaloob sa isang mahiwagang tubig ,,,natutulog ng mahimbing at protektado laban sa sakit at hirap na dulot ng mapaglarong pag-ibig
Labels:
yoko na magmahal
Subscribe to:
Posts (Atom)
Labels
Anime
(1)
Chat
(2)
Computer
(3)
Download
(1)
Entertainment
(5)
Food
(3)
Gen Info
(11)
Health
(1)
Misc
(3)
Movie
(1)
Movie Clip
(5)
Music
(3)
News
(6)
Personal
(1)
Poem
(1)
Politics
(3)
Recipe
(1)
Showbiz
(4)
Software
(2)
Sports
(1)
Technology
(1)
Tips
(1)
Trivia
(9)
TV
(1)
Videoke
(3)
Website
(5)
Yahoo
(1)
yoko na magmahal
(1)