AngBlogNatin PAGES

Friday, May 7, 2010

Happy Mother's Day!

Ang Tula Para Sa Mga Ina

Ang sabi sa akin ng aking ina
Ako ay galing sa sinapupunan niya;
Sa bahay-bata niya kanya akong dala-dala
Siyam na buwang singkad kanya akong inalala…

Nang ako’y magkaisip aking nasilayan
Kung paanong ang ina mga anak ay alagaan;
Sa langaw at lamok ‘di hahayaang madapuan
Babantayan ka niya paglalaro mo sa lansangan…

Bago ka mag-aral tuturuan ka niya
Sisimulan sa tama gamit yaong "Abakada";
Hindi ka niya kukurutin o kaya’y babatukan
O luluhod sa asin at didipa sa harapan…


Ang pagluluto niya ay ubod ng sarap
Adobo, mechado, afritada, at maski-pap;
Piniritong bangus, sinigang na apahap
Bulanglang na gulay, pinangat na sapsap…

Sa pananamit ay kanya kang iyaayos
Plantsadong mga damit, malilinis na sapatos;
Mamahaling medyas sa iyo’y kanyang isusuot
Nang ang mga paa mo ay hindi magkapaltos…

Kahit nang magbinata ang anak niyang mahal
Walang tigil ang pagpayo upang ‘di mapahamak;
Sabi n’ya, "Sa ‘yong sinta’y ‘wag lubos na magmahal,
at baka mabigo ka, puso mo ay mawasak!"

Kapag sumapit na ang anak sa graduation
Ang ina niyang mahal ay full of appreciation;
"Anak, ang galing mo, you did it, please go on"
Siya ay nagsisilbing palaging inspirasyon…

Kahit mga anak niya ay mag-asawa na
Naroon pa ring sumusubaybay sa kanila;
Sukdulang tumulong galing sa kanyang bulsa
Huwag lang maghirap ka sa pagpapamilya…

Ang aking masasabi ay iisa lamang
Gaano man kalaki natamong katagumpayan;
Sa likod ng anak ay may isang kaakbay
Walang iba kundi ang mahal niyang Nanay!

Mga Nanay, kayong lahat ay mabuhay!

source: Apo Ni Balagtas

2 comments:

Anonymous said...

nice one ,,,,, anag pagiging INA talaga ang pinakamahirap na trabaho ....mabuhay ang lahat ng mga INA ...

j3t javi3r said...

I agree po!

Iba magmahal ang isang Ina.

Post a Comment

Thank you po for your comment.

I'll be happy to hear more from you!

Labels

Anime (1) Chat (2) Computer (3) Download (1) Entertainment (5) Food (3) Gen Info (11) Health (1) Misc (3) Movie (1) Movie Clip (5) Music (3) News (6) Personal (1) Poem (1) Politics (3) Recipe (1) Showbiz (4) Software (2) Sports (1) Technology (1) Tips (1) Trivia (9) TV (1) Videoke (3) Website (5) Yahoo (1) yoko na magmahal (1)

"Ang Blog Natin" Statistics

Blogger WidgetsBlog statistics Widget For Blogger